Mayor ng Teresa, Rizal inambush

INAMBUSH ang mayor ng Teresa, Rizal kahapon ng hapon.

Hindi naman tinamaan si Mayor Raul Paulino pero sugatan ang dalawang kasama nito.

Sakay umano ang alkalde ng Toyota HiAce van ng pagbabarilin pagdaan sa palikong bahagi ng E. Rodriguez Ave., Brgy. Poblacion alas-5 ng hapon.

Tinamaan ang driver at ang bodyguard ng alkalde.

Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang mga salarin.

Read more...