“I’M not hurting anyone, trabahong marangal ang ginagawa ko.”
Ito ang ipinagdiinan ni Ivana Alawi sa patuloy na pangmamaliit sa kanya bilang sexy actress at vlogger.
Kung may mga natutuwa sa ginagawang pagbibilad niya ng katawan sa social media, meron ding bumabatikos sa kanya at nanglalait, kabilang na riyan ang mga moralista.
Nakilala kasi si Ivana sa pagpapakita niya ng hubad na katawan sa mga ginagawa niyang video at ipino-post na litrato sa Instagram kung saan talagang pinagpipiyestahan siya ng mga kalalakihan. In fairness naman kasi sa dalaga, nagsusumigaw talaga ang kanyang kaseksihan at kakinisan kaya naman naglalaway ang mga nakakakita sa kanyang mga revealing and daring photos.
Sa guesting ng aktres sa online talkshow na “I Feel U” hosted by Toni Gonzaga, sinagot niya ang ilang masasakit na salitang ibinabato sa kanya ng mga bashers at haters.
“Well, I know myself and alam ko na I’m more than just sa paghuhubad and proud ako sa sarili ko e, so bakit ako magpapa-apekto sa mga taong humihila sa akin pababa and trying to say na ang dami kasi talaga ganyang reaction na sinasabi nila, ‘Ano ba yan, panay pakita ka ng katawan, iyan lang ang meron ka, wala kang utak.’
“But I’m proud of myself, nakapagtapos ako sa college, natutulungan ko ang family ko and I’m happy. I’m not hurting anyone, trabahong marangal. Naiinggit lang sila e, and I accept that,” chika ni Ivana.
Tanggap na ng dalaga na marami talagang bumabatikos sa kanya, pero aniya, nasanay na rin siya sa pang-ookray ng mga bashers. Pero siyempre, tao lang din daw siya na nasasaktan lalo na kung ang mga taong malapit pa sa kanya ang mangnenega sa mga ginagawa niya.
“Siguro ‘yung sa kaibigan ko, sobrang naapektuhan ako kasi ‘yun ‘yung time na gusto kong maging sexy tapos, ang sakit na binibitawan na salita, kasi meron akong close friend dati sobrang close, everyday magka-chat kami.
“Pag magpo-post ako ng picture ise-send ko muna sa kanila para ipa-approve sa kanila, pero nagsalita sila ng napaka-sakit na word and that really hurt me, kasi I treated them as my own family,” lahad ni Ivana.
“Yung mama ko and mga kapatid ko, never ako nakarinig ng mga salita na nakakahiya ka or mga ganu’n. They’re proud of me, and I am happy na my family supports me. Ang nakakalungkot lang was the people I thought were my friends, they never supported me sabi nila ‘Wala kang mararating,’ and that really hurts,” paliwanag pa niya.