Lea Salonga napamura: Dear Pilipinas…ang hirap mong mahalin!

DAHIL sa matinding galit at pagkadismaya sa mga nangyayari ngayon sa bansa, isang malutong na mura ang pinakawalan ni Lea Salonga.

Hindi na marahil napigilan ng international Filipina singer ang kanyang nararamdamang frustration kaya talagang napamura na siya nang bonggang-bongga.

Sa kanyang official Facebook page, isang maikling mensahe para sa bansang Pilipinas ang kanyang ipinost pero tumatagos ito sa puso.

Aniya, “Dear Pilipinas, p***** ina, ang hirap mong mahalin.” Bukod dito, may isa pa siyang post na, “I hate this year. I really, really hate this year.”

Hindi na ipinaliwanag ng award-winning Broadway star ang kanyang mensahe pero marami ang naniniwala na may konek ito sa mga nagaganap ngayon sa bansa, partikular na ang pinag-uusapang guilty verdict  kay Maria Ressa ng Manila Trial Court para sa kaso nitong cyber libel at ang hot topic na anti-terrorism bill.

Pero isang netizen ang sinagot ni Lea na nagsabing “sobrang bulok” na kasi ang sistema ng ating gobyerno.

Ayon kay Lea, “Here’s my problem… I don’t possess a lot of trust in the things I see and read, even if and when the sources are supposed to be those in which we should be able to have unquestionable trust.

“Second, I house a conspiracy theorist in my head, one that I do try to quell in order to stay focused on the long game. 

“Third, there is always a sense of fear that if anyone pisses off the wrong guy, one can get shot in broad daylight,” pahayag pa ng singer-actress.

May binanggit din siya tungkol sa demokrasya, “I would like to think that in a functioning democracy, this should never be anyone’s fear, that their criticism would land them in jail, or worse, a corpse lying on a curb.”

Ilan sa mga celebrities na sumuporta sa “ipinaglalaban” ni Lea ay sina Iza Calzado, Michael de Mesa at Direk Mark Reyes.

Read more...