Hybrid na abaca nagawa ng DOST

abaca

NATUKLASAN ng Department of Science and Technology’-Forest Products Research and Development Institute (DOST-FPRDI) na mas maraming nakukuhang fiber na magagawang pulp at papel sa Bandala abaca hybrid.

Ang physical properties umano ng sample na papel na gawa dito ay maikukumpara sa mga papel na gawa sa commercial abaca.

Nagsasagawa ng pag-aaral ang DOST-FPRDI upang matulungan ang industriya ng abaca sa bansa upang mapalawig ang paggamit nito sa paggawa ng specialty paper at iba pang high-end products.

Sa pag-aaral at pinagsama ang klase ng abaca at saging upang makagawa ng halaman na marami ang produktong magagawa, drought-tolerant at matibay sa mga abaca bunchy-top virus (ABTV).

Ang Bandala ay resulta ng 60 taong pag-aaral ng Institute of Plant Breeding – University of the Philippines Los Baños.

“Our finding was that the physical properties (basis weight, thickness, folding endurance, and burst, tensile and tear indices) of the Bandala paper sheets we studied were comparable to those of commercial abaca,” ani DOST-FPRDI researcher Aimee Trixie Habon. “This is important because it shows that the hybrid has high economic potential.”

Ang abaca, na siyang kilalang pinakamatibay na natural fiber sa mundo, ay likas na tumutubo sa bansa.

Ang Pilipinas ang number 1 supplier ng abaca at ikinabubuhay ito ng 200,000 magsasaka sa 56 na probinsya.

Ito ang ginagamit sa paggawa ng ship at power transmission ropes, car interiors, well-drilling cables, furnishing, textile, at specialty at security paper.

Read more...