BINAGO ng Quezon City government ang ipinatutupad nitong curfew.
Sa localized guidelines na ipinalabas ng tanggapan ni Mayor Joy Belmonte, ang curfew simula ngayong araw ay magsisimula ng 10 ng gabi at magtatanggal hanggang 5 ng umaga.
“During these hours, all persons should be at home, except for those still out for purposes of work, or dealing with emergencies or for purposes of air/sea travel as shown by tickets,” saad ng Additional Guidelines for General Community Quarantine.
Exempted din sa curfew ang mga taong nahaharap sa emergency cases.
Mananatili namang papayagan ang mga religious services pero hanggang 10 tao lamang ang maaaring magsama-sama sa isang lugar.
MOST READ
LATEST STORIES