Dine-in service sa mga kainan sa Maynila pinayagan na

PINAYAGAN na ng Manila City government ang dine-in service sa mga fast-food chains at restaurants.

Pero limitado lamang sa 30 porsyento ang kapasidad ng kainan ang papayagan.

Iginiit din ni Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na dapat sumunod sa health protocol ang mga kainang ito.

Ang mga hindi susunod ay ipasasara umano, ayon kay Bureau of Permits Director Levi Facundo.

Kung may matatanggap na reklamo, maglalabas ang city government ng show cause order upang pagpaliwanagin ang kainan.

“However, if fully validated naman na may violations ang isang restaurant, diretso (na ang issuance ng) closure (order),” ani Facundo.

Ang mga empleyado ng kainan ay dapat nakasuot ng personal protective equipment at ang mga utensils ay dapat disposable.

Kailangan ding ipatupad ang ‘No Mask, No Entry’ policy at kailangan ay madalas ang gawing sanitation sa pasilidad.

“If you are dining more than the capacity, chances are they will not get to dine in together because we have to follow a physical distancing,” dagdag pa ni Facundo.

Read more...