Babaeng guro itinumba ng tandem

BINARIL at napatay ang guro sa harap ng kanyang bahay sa San Leonardo, Nueva Ecija kahapon.

Nakatayo si Julieta Hementera, residente ng Brgy. Magpapalayok, nang huminto ang riding-in-tandem at binaril siya nang malapitan alas-8 ng gabi.

Dead on the spot ang guro dahil sa dami ng tinamong tama ng bala sa katawan.

Nakuha sa pinangyarihan ang limang baysyo ng bala ng kalibre-.9mm pistola.

Binubusisi na ng mga imbestigador ang kuha ng mga CCTV camera sa lugar upang makilala ang mga suspek.

Read more...