Nag-suicide sa Baguio sa gitna ng quarantine, 9 na

Dead

NAITALA ngayong araw ang ikasiyam na insidente ng pagpapakamatay sa lungsod ng Baguio sa gitna ng quarantine.

Ani Col. Allen Rae Co, natagpuang nakabigti si Raymund Alaba, 23, ng Saranggani, sa silid nito sa Brgy. New Lucban, ng kanyang kasera.

Naibaba na ang katawan ni Alaba nang dumating ang mga pulis alas-11 ng umaga.

Inaalam pa ng mga imbestigador kung ano ang nagtulak sa biktima na magpatiwakal.

Kaugnay nito, sinabi ng mga otoridad na nakababahala ang bilang ng mga nagpakamatay sa siyudad simula nang ideklara ang pandemya.

Isa sa mga nag-suicide ang 64-anyos na lalaki na nagpositibo sa Covid-19 habang ang pinakabata ay 13-anyos.

Read more...