Kilalang aktres reyna ng katamaran: Kaya fiesta sa kanya ang lockdown!

NIYAKAP nang husto ng isang female personality ang lockdown. 

Gustung-gusto niya ang ganito, ito ang hinahanap niya talaga, wala siyang reklamo kung nakakulong lang siya sa bahay.

    Nu’n pa man ay malaking problema na ng produksiyon ang kanyang katamaran. Mabigat ang kanyang katawan pagdating sa pagtatrabaho.

    Kuwento ng aming source, “Naku, fiesta para sa kanya ang lockdown! Ito ang type na type niya talaga, ‘yung wala siyang ginagawa, nasa bahay lang siya, nakanganga lang sa maghapon!

    “Nu’ng active pa siya sa pag-arte, e, ‘yun ang palaging problema sa kanya ng production, hindi pa tapos ang work niya, e, uwing-uwi na siya!

    “Gumagawa talaga siya ng paraan para mapaigsi ang working time niya, marami siyang iniimbentong dahilan, payagan lang siyang makapag-pack-up na!

    “Kung maraming artistang nagrereklamo dahil nabuburyong na sila sa bahay, e, wala kang maririnig sa babaeng ito! Yakap na yakap niya ang lockdown!” umpisang kuwento ng aming impormante.

    Nitong mga huling panahon ay nagsabi ang babaeng personalidad na gusto na raw niyang magtrabaho uli. 

Naisip daw niya na sayang naman ang mga panahong lumilipas na hindi niya napapakinabangan ang talento niya.

    Balik-chika ng aming source, “So, may mga tumulong naman sa kanya para makabalik na sana, di ba? Binulabog niya ang production, gusto na raw niyang magtrabaho uli!

    “Kaso, kung kailan naman nakahanda na ang lahat, e, sinumpong na naman siya ng katamaran! Hindi na naman siya mahagilap ng mga taong kinausap niya!

    “Umandar na naman ang drama niya sa buhay, hindi pa raw pala siya handa, may mga kailangan pa muna siyang gawin bago siya bumalik sa pagtatrabaho!

    “Hindi na naman natuloy ang proyekto! Hindi pa raw siya handa! Kaya itong lockdown na ito, aysus, ito ang talagang gustung-gusto niya!

    “Wala nang excuse na kailangan, lahat ng tao, e, kailangang nasa bahay lang! Panalo ang katamaran niya! Sarap niyang hampasin ng bareta ng sabon, di ba naman?” nakairap na pagtatapos ng aming impormante.

Read more...