Guro sa private schools kailangan ng tulong

UMAPELA si Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera sa gobyerno na tulungan ang may 300,000 guro sa pribadong paaralan.

Ayon kay Herrera ang mga guro sa pribadong paaralan ay hindi kasali sa maaaring makatanggap ng tulong sa ilalim ng Small Business Wage Subsidy (SBWS) program na nagkakahalaga ng P5,000-P8,000.

“Considering that there is much uncertainty on the enrollment of students which would consequently affect the ability of many private schools to sustain themselves, teachers and non-teaching personnel in private educational institutions should also be given assistance to help them cope with the effects of the pandemic,” ani House Deputy Majority Leader Herrera.

Hindi gaya ng mga guro sa pampublikong paaralan, marami sa mga guro sa pribadong eskuwelahan ay walang tinatanggap na sahod kapag walang pasok.

“I therefore urge the government not to lose sight of the vulnerable disposition of private school teachers whose livelihood are currently being threatened,” saad ng lady solon.

Ayon sa Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA) maraming eskuwelahan ang hirap sa pondo at nanganganib na magsara lalo at binago ang simula ng pasukan.

Nauna ng sinabi ng Department of Education na inaasahan nila ang paglipat ng milyong estudyante sa public school.

Read more...