32K OFWs naihatid na sa mga probinsya

MAHIGIT 32,000 na ang naihatid na overseas Filipino workers sa kani-kanilang probinsya sa ilalim ng Hatid Probinsya para sa mga OFWs’ Program’.

Ayon sa Department of Transportation 32,964 OFW na ang naihatid hanggang noong Biyernes.

Sa naturang bilang 10,104 ang inihatid by land transport at 14,817 sa pamamagitan ng air transport at 8,043 via sea transport.

Ang datos ng land at air transport ay mula Mayo 25 hanggang Hunyo 12 samantalang ang sea transport ay mula Abril 27 hanggang Hunyo 12.

Ang Hatid Probinsya para sa mga OFWs ay joint initiative ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno na naglalayong tulungan ang mga OFW na na-repatriate at na-stranded sa Metro Manila bunsod ng lockdown.

Read more...