Magbibisikleta papasok ng trabaho bigyan ng insentibo

IPINANUKALA ng isang solon na magbigay ng insentibo sa mga taong papasok sa trabaho gamit ang bisikleta.

Naisip ni Ang Probinsyano Rep. Ronnie Ong na magbigay ng food voucher sa mga mahihirap na empleyado na ang paraan na ginagamit para makapasok ay magbisikleta.

Ayon kay Ong ang pangamba na dulot ng coronavirus disease 2019 ay isang oportunidad din sa gobyerno upang solusyunan ang dalawang problema ng bansa—ang polusyon at trapiko.

“Providing incentives for people who bike-to-work is small price to pay for its immeasurable benefits. This would translate to billions of economic opportunities and billions of savings on capital expenditures. More importantly, we are investing for the future of the next generation and the future of our planet. Maybe, the corona virus was nature’s way of reminding us that we have to protect our environment,” ani Ong.

Sinabi ni Ong na ang pagbibisikleta ay hindi dapat ilimita ngayong mayroong pandemya kundi gamitin kahit na bumalik na sa normal ang buhay.

Noong Hunyo 11 ay inilungsad ni Ong ang #LibrengBisikleta program, kung saan namigay ito ng bisikleta sa mga napiling security guard, utility worker at manual laborer na naglalakad papasok sa trabaho dahil walang masakyan.

Karamihan sa kanila ay nagtatrabaho sa Ortigas at Makati at nakatira sa Rizal, Katipunan at Maynila.

Kung magiging maayos umano ang daanan ng mga bisikleta ay mas marami umanong maeenganyo na gumamit nito.

“With more and more people using bikes and lesser people using their vehicles, these countries are solving their problems on traffic and pollution. They are saving a lot of money in the process due to the reduced repair and maintenance cost on their roadways and reduced expenses on health service subsidies.  A clean environment and a healthy population are the best sign of a wealthy and progressive country,” saad ng solon.

Ayon kay Ong ang pagbibigay ng incentive sa “bike-for-work” ay naging epektibo sa Europa. Sa The Netherlands binabayaran ng US$.22 o P11 ang mga siklista sa bawat kilometro ng kanilang binibisikleta.

Sa United Kingdom, ang mga empleyado ay binibigyan ng lease-to-own options sa pagbili ng bisikleta at “mileage allowance” sa mga negosyo na bisikleta ang ginagamit na nagkakahalaga ng $0.26 (P13) kada milya.

“Of course these are rich countries so we could instead provide incentives in the form of food vouchers which can only be used to buy food commodities,” ani Ong.

Read more...