Barbie, Heart, Mike nabiktima rin ng sindikato sa socmed; nagbabala sa publiko

BINIGYAN ng warning ni Kapuso actress Barbie Forteza ang lahat ng kanyang fans at followers laban sa mga poser sa social media.

Nakarating sa bida ng Kapuso series na “Anak ni Waray vs Anak ni Biday”  na may isang Instagram account na gumagamit sa pangalan niya para makapanloko ng tao.

Ani Barbie, ginamit ng poser ang handle name niya sa IG pati na ang username niya sa TikTok at marami sa mga netizens ang naniwalang sa kanya ang account na yun.

Sa kanyang Facebook post, ipinaalam ng dalaga na ang kanyang official accounts sa social media ay ang mga sumusunod: @barbaraforteza sa Instagram (IG), @dealwithBARBIE sa Twitter at @barbieforteza8doneyet sa TikTok.

“Someone’s using my TikTok username as their IG name to sell products. FYI, THIS IS NOT ME,” babala ng girlfriend ni Jak Roberto sa publiko.

Pinaalalahanan din ni Barbie ang publiko na maging maingat sa pagbili ng mga gamit online dahil baka mabiktima rin sila ng mga sindikato at manloloko sa socmed.

Bukod kay Barbie, ilan pa sa Kapuso stars na nabiktima ng mga online poser ay sina Mike Tan at Heart Evangelista. 

Nag-warning din ang Kapuso actor sa kanyang followers na gumagamit sa profile niya para makagawa ng dummy accounts.

Ipinost ni Mike sa kanyang IG ang screenshot ng pekeng account na may pangalan niya, “Dahil ang daming may dummy accounts, napa-search tuloy ako at nalaman kong Atenean na pala ako at single pa! #FakeFacebook.”

Pinayuhan din ni Heart ang netizens na huwag basta maniniwala sa mga fake accounts gamit ang litrato at pangalan niya na nagsasabing mamimigay ang mga ito ng free tablets sa mga estudyante pero biglang may hihinging kapalit.

Read more...