PINALAWIG ng GrabMart ang operasyon nito sa buong Metro Manila.
Mahigit sa 150 merchants na rin sa Metro Manila ang maaaring mabilhan ng mga kliyente ng Grab.
Bukod sa mga grocery, makabibili na ngayon ang mga kliyente ng Grab ng over-the-counter medicines, mga gulay at karne.
Nagsimula ang GrabMart bilang on-demand grocery and essentials delivery service para tulungan ang mga naapektuhan ng coronavirus disease 2019.
“The COVID-19 pandemic has forced companies to be agile and to act quickly to support the needs of their fellowmen. By tapping on existing technologies, our extensive delivery network, and operational footprint, we were able to quickly scale GrabMart in Metro Manila to help more Filipinos purchase their essential needs,” ani EJ Dela Vega, head ng GrabMart & GrabFood.
“This is just the beginning as we will continue to double down on our expansion efforts to serve more Filipinos.”
Sinimulan ang GrabMart noong Marso at makalipas ang dalawang buwan ay mayroon na itong operasyon sa buong Metro Manila.