4.1M Pinoy na-stranded sa lockdown

ECQ

UMABOT sa 4.1 milyong Filipino na edad 15 pataas ang na-stranded matapos na ipatupad ang lockdown sanhi ng coronavirus disease 2019.

Ayon sa survey ng Social Weather Stations, 5.4 porsyento ang nagsabi na sila ay hindi na nakauwi sa kanilang bahay matapos na ipatupad ang quarantine.

Pinakamarami ang na-stranded sa Mindanao (6.4 porsyento o 1.1 milyon), sumunod ang iba pang bahagi ng Luzon (5.3 porsyento o 1.8 milyon), Visayas (5.0 porsyento o 710,000) at Metro Manila (4.8 porsyento o 490,000).

Mas marami rin ang mga lalaki (6.2 porsyento o 2.3 milyon) kumpara sa mga babae (4.7 porsyento o 1.8 milyon).

Ginawa ang mobile survey mula Mayo 4-10 at kinuha ang opinyon ng 4,010 respondents.

Read more...