Wanted sa panggagahasa nasakote

Arrested

NASAKOTE ng pulisya sa Bulacan ang top 7 sa most wanted list ng Galas Police kahapon.

Kinilala ang suspek na si Jomari Guanzing, 18, ng Cluster 5, Manunggal St., Brgy. Tatalon.

Siya ay naaresto alas-4:15 ng hapon sa Brgy. Sapang Putik, San Ildefonso, Bulacan.

Hinuli si Guazing sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Cleto Villa Corta III, acting Presiding Judge ng Regional Trial Court branch 106 ng Quezon City.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong rape at walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Read more...