Babae huli sa buy-bust

Jail

ISANG 29-anyos na babae ang inaresto ng pulisya sa isang buy-bust operation sa Quezon City kahapon.

Kinilala ang suspek na si Nikki Joy Obina, residente ng 246 Pinkian 3 Zone 3 Visayas Ext., Brgy. Pasong Tamo.

Isang buy-bust operation ang inilungsad ng Talipapa Police laban sa suspek alas-5 ng hapon.

Nakabili umano ang poseur buyer ng P200 halaga ng shabu sa suspek.

Nang maaresto ay narekober umano sa suspek ang tatlong sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P34,000.

Read more...