Magkapatid na wanted naaresto

NAARESTO ng pulisya sa Lucena City ang dalawang magkapatid na top 1 at top 2 most wanted person ng Galas Police sa Quezon City.

Nahuli sina Darwin Flores at Ricardo Flores, mga residente ng 23 ROTC Hunters, Brgy. Tatalon, Quezon City.

Ang dalawa ay nahuli sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Maria Gilda Loja- Pangilinan, ng Regional Trial Court Branch 230 ng Quezon City para sa kasong murder.

Walang piyansang inirekomenda para sa kanilang pansamantalang kalayaan.

Ang dalawa ay naaresto alas-2:15 ng umaga kamakalawa sa Lucena City.

Read more...