DALAWANG taon nang naninirahan ang aktres na si Andi Eigenmann sa isla ng Siargao kasama ang kanyang pamilya.
Mas pinili ng anak ni Jaclyn Jose ang buhay sa probinsya kesa ang manirahan dito sa Manila at mag-artista kaya naman marami ang humahanga sa kanya dahil sa tapang at paninindigan niya.
In fairness, mukhang hindi naman nagsisisi ang aktres sa naging desisyon niya na mamuhay sa isla kasama ang partner niyang si Philmar Alipayo at anak nilang si Lilo.
Marami ang naiinggit kay Andi dahil sa napakasimple niyang pamumuhay sa Siargao. Kamakailan lang ay nag-viral ang isang litrato kung saan makikitang nakasakay siya sa motorsiklo at may hawak na balde.
Bentang-benta rin ngayon sa mga netizens ang mga pampa-good vibes niyang vlogs sa YouTube channel na “Happy Islanders.” Nakakasama rin niya rito ang kanyang mag-ama.
Pero kung inaakala n’yong naging madali lang kay Andi ang naging desisyon niya, nagkakamali kayo dahil dumaan din siya sa mga pagsubok bago nakapag-adjust bilang island girl.
Sa isang episode ng “Ano’ng Ganap” sa VIVA TV, naikuwento ng aktres ang naging buhay niya matapos iwan ang showbiz.
“I’ve been living here for almost two years now and at the beginning even if ayun nga pangarap ko, pinangarap ko, hindi siya naging madali.
“I still had to adjust some ways especially I didn’t have a family here, I don’t have my mom or any of my siblings and best friends. Minsan-minsan lang naman silang nakakapunta dito so in that sense naging mahirap siya,” simulang chika ni Andi.
“But I’m so thankful that I have Philmar. I didn’t move here by myself. So ‘yung culture by myself.
“So ‘yung culture shock kahit paano nu’ng simula, si Philmar natulungan niya ako na makapag-adapt. And besides, I really enjoy their way of life here. So ayun I feel like bagay naman ako,” lahad pa niya.
Sa ngayon, kinakarir na rin ni Andi ang paggawa ng vlogs para sa kanyang “Happy Islanders” YT channel na ang main objective ay ang ibandera ang ganda ng Siargao.
“We think like because we live in such a beautiful place and you know, he’s an amazing surfer, it’s nice to take videos and you know, share it to the world via YouTube channel.
“Pero ‘yung ginawa ko nu’ng ginawa namin ‘yung first vlog namin, nu’ng pinost ko siya, for fun lang talaga siya. As in practice lang. And it worked.
“Tapos siyempre nai-inspire kami kasi nakakatuwa naman na people want to see and you know, more about our us through our vlogs so we made more,” kuwento pa ni Andi.
Pagpapatuloy pa niya sa nasabing panayam, “We plan to make even more fun vlogs. We want to share even more of our life and what we do. We also plan to showing more of the things that we love as well like Philmar’s surf videos like ‘yung spear fishing.
“We want to do videos on that. Hopefully, kapag nakakuha kami ng waterproof camera, magagawa namin ‘yun.
“And ‘yung surf para mas maipakilala pa namin ‘yung surf here in the Philippines. Also, eating healthy and making food from locally-sourced ingredients because farming is something I want to help promote, especially here on the island for the farmers,” lahad pa ng island girl.