Baby Summer manang-mana kay Daddy Paolo; Ken kaliga ka nina Carla at Heart

KANINO nga ba nagmana si Baby Summer: sa kanyang drama actress mommy na si LJ Reyes o sa tatay niyang comedian na si Paolo Contis?

Sa recent online interview kina LJ at Pao, ibinahagi nila kung kanino talaga nagmana ang panganay nilang anak. 

Ayon sa Bubble Gang mainstay, maganda ang combination ng ugali nila na nakuha ng bibong si Summer.

 “Masasabi ko rin kasi na yung combination, nakuha talaga pareho. Sobrang ma-PR si Summer, kay LJ ‘yun. ‘Yung humor sa akin. 

“So it’s a good combination. Masaya, kumbaga siya yung inspirasyon namin sa bahay, pang-aliw sa lahat,” ani Paolo.

 

Dagdag naman ni LJ, kahit daw ang anak niyang si Aki ay kinagigiliwan din si Summer at talagang magkasundung-magkasundo ang magkapatid.

“Kahit si Aki, kapag nabo-bore siya, kunwari wala na siyang maisip gawin sa bahay, pupunta siya kay Summer para malibang siya, lalaruin niya ang kapatid niya,” kuwento pa ni LJ.

                           * * * 

Bukod kina Carla Abellana at Heart Evangelista na kilalang mahilig sa mga hayop, isa na ring certified pet lover ang Kapuso actor na si Ken Chan.

 Sa kasalukuyan ay nag-aalaga siya ng isang short haired cat, Siberian husky, sun conure bird, at mga pagong.

 

Ayon kay Ken, “Sobrang iba ‘yung peace na binibigay sa akin ng pets ko. ‘Yung turtle ko, ‘yung parrot, ‘yung mga aso, ‘yung pusa ko, iba parang pakiramdam mo mayroon kang barkada hindi lang sa ‘kin, sa buong family na rin.” 

 

May paalala naman si Ken sa mga nagbabalak na mag-alaga ng hayop, “Handa ka na alagaan sila. Handa ka na dapat na maging member sila ng family mo kasi hindi biro ang mag-alaga ng isang animal. Kailangan responsable tayo.” 

Read more...