Lito Bautista, Executive Editor
KALIMUTAN muna natin ang bangayan at “inarte” (ito ang bagong salita na tinanggap, pero hindi naman ito tamang balarila, sa lengua [o lingua] franca ng Filipino) ng mga politiko.
Kuwentas claras sa pera, kawawa si Edu Manzano, kandidato pagka-bise presidente ng Lakas-Kampi-CMD. Inamin mismo ni Reli German (na naglingkod sa likod ng kurtina sa maraming presidente) na walang resources ang partido, kaya’t walang mga karatula ang sikat na artista, game show host at komedyante.
No honey, no money, ang iniwang kasabihan ng mga Kano pagkatapos ng World War 2. Siyempre, ang tumakbong pagka-vice president ay hindi biro, tulad ng pagtatanim ng palay.
Kung walang pera, walang magagawa. Hindi uusad at hindi susulong. Ikinaila nga ni Manzano na hindi siya aatras dahil walang resources. Binanggit niya ang kanyang lubos na tiwala kina Gibo Teodoro at Interior Secretary Ronaldo Puno, ang kumumbinsi sa kanya tumakbo pagka-bise.
Sa shooting, pag walang artista, pack-up; pag walang tsibug, pack-up; pag walang pera, di na matutuloy.
BANDERA, 031010