Kailangang maging praktikal ang Simbahan

Target ni Tulfo by Mon Tulfo

KAAWA-awa naman yung ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na si Jeffrey Roquero dahil nakalaban niya ay mga higante sa lipunan.
Sinampahan ng kasong libel si Roquero nang sinabi niya na sangkot sa droga sina dating Supreme Court Justice Dante Tinga at ang kanyang anak na si Mayor Freddie sa Taguig.
Nasabi yun ni Roquero nang ipawalang-sala ni Pasig Judge Raul Villanueva ang dalawang kamag-anak ng mga Tinga sa kasong drug pushing.
Sinabi ni Roquero na pinilit ng mag-amang Tinga ang judge na si Villanueva upang masara ang kaso laban kina Fernando J. Tinga at Alberto J. Tinga.
Sinampahan ni Roquero ng kasong disbarment si Judge Villanueva dahil sa kanyang pagpawalang-sala kina Fernando at Alberto Tinga.
Si Roquero kasi ang humuli sa dalawa sa buy-bust operation at siya rin ang naghain ng kaso laban sa kanila.
Kailangang tulungan ng PDEA si Roquero sa pamamagitan ng pagbigay sa kanya ng abogado upang idipensa siya sa korte.
Kapag hindi tinulungan si Roquero ng PDEA mabuti pang kalimutan na ng gobyerno ang kampanya laban sa droga.
Ang ibang drug enforcement agents ay mawawalan ng gana na magtrabaho ng puspusan dahil baka sila naman ang balikan ng mga drug dealers at kanilang mga protektor.
* * *
Ang labanan nina Roquero at mga Tinga ay gumawa ng malakas na ingay na umaabot sa Korte Suprema.
Kasi nang pinilit daw ni Tinga si Judge Villanueva siya ay miyembro pa ng Mataas na Hukuman.
Ibig sabihin, ginamit ni Tinga ang kanyang pagiging Supreme Court justice upang maimpluwensiya ang takbo ng kaso laban sa kanyang mga kamag-anak.
Kung totoo ito, malaking kahihiyan sa Supreme Court ang ginawa ni Tinga.
Paano na maniniwala ang taumbayan sa Korte Suprema bilang ultimate dispenser of justice.
* * *
Bakit palaging natatalo yata ang mga sundalo ng gobyerno ng New People’s Army (NPA).
Kapag may sagupaan sa pagitan ng NPA at Army troops palaging nalalagasan ang hanay ng Army.
Sa pinakahuling engkwentro na naganap sa Oriental Mindoro, 11 miyembro ng Philippine Army ang napatay.
Kapag ganoong karami ang nalalagas sa panig ng gobyerno baka maubos ang Philippine Army.
Kailangan nang baguhin ng Army ang taktika sa pakikipaglaban dahil mas magagaling na sa kanila ang NPA.
* * *
The Army is fighting enemies on three fronts: Moro Islamic Liberation Front (MILF), Abu Sayyaf and NPA.
Palagi na lang nasa defensive posture o pagtatanggol sa sarili ang Army.
Bakit hindi maging aggressive naman ang Army. The best defense is offense, ika nga.
Sa halip na magpahinog ng kanilang mga itlog sa kampo, bakit hindi sila palaging magpatrulya sa gabi sa halip na sa araw?
Nang ma-assign sa Sulu ang aking ama noong dekada ‘50, ginawa niyang araw ang gabi sa pagtugis sa mga kaaway.  Natutulog siya at kanyang tauhan sa araw at nagpapatrulya sa gabi.
Ang naging resulta: Kapag umuuwi na sila sa kampo, dala-dala nila ang maraming bangkay ng kanilang mga kalaban.
Bakit? Dahil nadadatnan nilang natutulog ang kalaban sa kanilang kuta.
* * *
Kahit na anong banat ng mga pari’t obispo ng Simbahang Katolika kay Health Secretary Esperanza Cabral, hindi ito natitinag.
Cabral’s advocacy is the use of condom to prevent HIV/AIDS and slow down population growth.
Baka may alam si Cabral na hindi alam ng karamihan.
Gaya, halimbawa, na may mga pari at obispo na may mga anak.
May alam akong bishop na naanakan ang kanyang sekretarya at yung isa naman ay may dalawang anak na malalaki na.
Kung gumamit sila ng condom sa pagtatalik eh di sana nabulgar ang kanilang kamunduhan.
Maraming pari na bading at kailangan nilang gumamit ng condom kapag nakikipagtalik sa kapwa lalaki upang di sila magkasakit ng HIV/AIDS.
Kailangang maging praktikal na ang Simbahang Katolika.

Bandera, 030910

Read more...