P680K shabu nasamsam sa obrero

Arrested

ARESTADO ang 43-anyos na construction worker na nahulihan umano ng P680,000 halaga ng shabu sa Quezon City kahapon.

Nahuli ng Eastwood Police sa buy-bust operation si Jhonny Amilil, 43, ng Libis st., Central Signal Village, Taguig City.

Nakabili umano ng P19,000 halaga ng shabu ang poseur buyer sa suspek alas-12:30 ng tanghali sa Calle Industria kanto ng Circullo Verde, Brgy. Bagumbayan.

Nang maaresto ay nakuhanan pa umano ito ng 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P680,000. Narekober din sa kanya ang isang motorsiklo.

Read more...