Maricar, Richard 7 taon nang kasal: Each year together is a miracle and a gift

PITONG taon nang kasal ang celebrity couple na sina Maricar Reyes at Richard Poon.

Nag-post ang actress-businesswoman sa kanyang Instagram account ng litrato ng asawa kung saan sinabi niya sa kanilang followers na itinuturing nilang “himala” at “blessing” ang bawat taon ng pagsasama nila bilang mag-asawa.

Narito ang kabuuang mensahe ni Maricar para sa kanyang asawa, “WE WERE HAPPY FOR 10 YEARS… & THEN WE WEREN’T..”

“Said a successful businessman to Richard a few years back. The businessman is separated from his wife. They are both good people. When they got married they really wanted it to be FOREVER,” aniya.

Ayon pa sa aktres, hindi naman sila maituturing na perfect couple pero ginagawa nila ang lahat para maging mabuting asawa sa isa’t isa.

“For me, this was a very humbling story. Each year together is a miracle and a gift. We’re imperfect humans capable of destroying a good thing. We’ve reached 7 years not because we’re so great but because we’ve had so much help along the way.

“No matter what @richardpoonph, u will always have my admiration (heart emoji). #Poon7thAnniversary,” mensahe pa ni Maricar.

 

Pitong taon na palang kasal ang dalawa (Hunyo 10, 2013) kaya nasabi naming ang bilis talaga ng panahon. Parang kailan lang noong nagliligawan pa lang sila at nang malaman namin ang ilang kuwento tungkol sa panunuyo ni Richard noon sa kanyang misis.

 

Anyway, sa pitong taong pagsasama bilang mag-asawa ay hindi naman itinanggi nina Richard at Maricar na madalas din silang magkatampuhan pero ang maganda ay hindi sila natutulog nang hindi naaayos ang problema.

Samantala, desisyon ni Maricar na maging choosy sa mga project na inaalok sa kanya kaya bihira na siyang mapanood sa teleserye at ang pinagkakaabalahan niya ngayon ay ang pagbi-bake ng chocolate cake na naging negosyo na nga niya.

Sobrang supportive si Richard sa asawa at base sa huling kuwentuhan namin noon ay ipina-renovate niya ang bahay nila para magkaroon ng sariling work place si Maricar para sa kanyang baking stuff. May sarili na ring pahingahan ang stay-in staff ng asawa.

 Si Richard ang unang tumitikim ng lahat ng niluluto at bine-bake ni Maricar dahil on the side ay magaling ding chef ang Philippine’s Big Band Crooner.

Hanggang sa nabuo na nga ang Choco Liquor cakes by Maricar na may mga puwesto na ngayon sa ilang malls bukod pa sa online delivery.

 

Anyway, mula sa BANDERA, happy anniversary Richard and Maricar!

Read more...