BAD timing umano ang plano ng Bureau of Internal Revenue na patawan ng buwis ang mga online sellers.
Ayon kay ACT-CIS Rep. Niña Taduran marami sa nagtitinda ngayon online ay mga nawalan ng trabaho at hindi nakakapagtrabaho dahil sa lockdown.
“These online sellers just want to put food on the table. This might even be just a temporary activity for them until they find a more stable job,” ani Taduran.
Maaari umanong ipagpaliban ng BIR ang deadline sa pagpaparehistro ng mga online seller.
“I know that every business should be registered and consequently pay taxes pursuant to the Tax Code. But setting an immediate deadline and warning them of stiff penalty is insensitive. Let the people recover first from the financial beating of this pandemic,” saad ng lady solon.
Ayon sa Memorandum Circular 60-2020, hiniling ng BIR sa lahat ng online seller na magparehistro at magbayad ng buwis.
“Nakadapa pa ang lahat dahil sa pandemic. Pinipilit na lang ng mga taong mabuhay makaraang mawalan sila ng regular na trabaho kaya’t nag-shift sa online selling. And at this time, when we are discouraging people to go outside, it will be difficult for them to process all the requirements needed for their registration with the July 31, 2020 deadline,” dagdag pa ni Taduran.