MAGDADALA ng pag-ulan sa Luzon ang low pressure area na inaasahang magiging bagyo.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration magiging bagyo ang LPA sa susunod na 24 oras.
Kaninang umaga ang LPA ay nasa layong 110 kilometro sa hilagang kanluran ng Virac, Catanduanes o 65 kilometro sa silangan-hilagang silangan ng Daet, Camarines Norte.
“Due to its proximity to land, Tropical Cyclone Wind Signals may be hoisted immediately in the initial Severe Weather Bulletin once this LPA develops into a tropical depression,” saad ng PAGASA.
“This LPA and the prevailing Southwesterly Windflow over Palawan, Visayas and, Mindanao will bring scattered to widespread moderate to heavy rains over Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region, northern Palawan including Calamian and Cuyo Islands, Mindoro Provinces, Marinduque, Romblon and Western Visayas.”
Nagbabala ang PAGASA ng posibleng pagbaha at landslide.