Coleen, Billy baby boy ang magiging panganay; virtual gender reveal ginawang fundraiser

BABY boy ang magiging panganay nina Coleen Garcia at Billy Crawford.

Ito ang masayang ibinalita ng Kapamilya couple sa ginanap na virtual gender reveal kahapon sa pamamagitan ng Facebook, YouTube at ng video streaming app na Kumu.

Nag-post ng ilang litrato si Coleen sa kanyang Instagram tungkol sa magaganap na gender reveal, “Hi guuuys! It’s still not safe to attend public gatherings, but we do want to celebrate the little milestones in this pregnancy as much as we can, so we decided to have our baby shower/gender reveal online instead! At least that way, more of you can join us.

“Of course, since it’s a party, we’ll still have some games and PRIZES! Especially for Mamas and their little ones. We’ll also be raising funds to donate to mothers and children in need.”

Ang mas exciting dito, ginawang mas makabuluhan ng future daddy and mommy ang kanilang gender reveal dahil isinabay na nila rito ang kanilang fundraiser para sa mga nanay at kabataang nangangailangan ngayon, lalo na ang mga matinding naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Billy, “This is all fun. It’s a blessing that we are actually having a boy. But we are here for a reason. We’re here to raise funds.

“We are asking for donations. For UNICEF actually. UNICEF is part of this, and we have other organizations as well that will be involved in this reveal,” pahayag ng TV host-singer-actor.

Pagkatapos ng kanilang virtual gender reveal party, nagpasalamat si Coleen sa lahat ng mga netizens na nakisaya sa kanila, “Thank you to everyone who joined our baby shower/gender reveal today! We’re so happy we finally get to share this with you!”

Samantala, may naisip na ring pangalan sina Coleen at Billy para sa kanilang panganay. Pero anila, hindi nila mapagdesisyunan kung ano ang magiging second name ng baby. Six months na ang sanggol na ipinagbubuntis ngayon ng misis ni Billy.

Read more...