Simpleng pagpapautang sa MSMEs

KAILANGAN umanong gawing simple ang pagpapautang sa mga maliliit na negosyo na nangangailangan ng tulong matapos maapektuhan ng coronavirus disease 2019.

Sa virtual hearing ng House committee on micro, small and medium enterprise development, sinabi ni Las Piñas Rep. Camille Villar na malaki ang maitutulong ng Small Business Corp.’s (SB Corp.) upang mas mabilis na makabangon ang mga naapektuhang negosyo.

“The role of SB Corp. is very important in jumpstarting our economy because more than 95% of businesses in the Philippines are MSMEs so we really need to help them. I believe they are the most affected,” ani Villar.

Sinabi ni Villar na maaaring magtalaga ng taong kakausapin sa SB Corp. na maaaring ituro ng mga kongresista na hinihingian ng tulong ng kanilang mga constituents.

Inanunsyo ng SB Corp. ang pagbubukas ng Enterprise Rehabilitation Financing-Pondo para sa Pagbabago at Pag-Asenso, para tulungan ang mga Micro Small and Medium Enterprises (MSMEs).

Ayon kay Villar ang MSMEs ang bumubuo sa 99.56 porsyento ng negosyo sa bansa.

“…. small entrepreneurs deserve the help they needed as they do not have the means to survive during these trying times. With the availability of aid, it will keep the sector afloat and help retain their workforce,” ani Villar.

Read more...