HINIMOK ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez si Pangulong Duterte na magpatawag ng special session para maipasa ng Kongreso ang P1.3 trilyong economic stimulus bill na magagamit upang mabilis na mapaangat ang ekonomiya.
“Time is of the essence. We should approve this stimulus package to help various sectors crippled by the Covid-19 pandemic. If we wait until August or September after we convene for our second regular session in late July, we will have wasted precious time,” ani Rodriguez.
Ayon kay Rodriguez mahalaga na matulungan ang mga apektadong sektor upang hindi na lalong lumala pa ang problema ng bansa.
“Financial aid should be available as the economy begins to gain momentum with the easing of quarantine restrictions in many areas of the country.”
Inaprubahan na ng Kamara de Representantes ang economic stimulus package na Accelerated Recovery and Investments Stimulus for the Economy (ARISE) bill bago nag-adjourn ang session noong nakaraang linggo.
Nakasaad sa panukala, kung saan isa si Rodriguez sa may-akda, ang paglalagay ng pondo para sa cash for work upang tulungan ang mga nawalan ng trabaho, pautang para sa Micro, Small, and Medium Enterprises gayundin sa agriculture and fishery sector.
May nakalaan din ditong P650 bilyon para sa enhanced Build, Build, Build infrastructure program ng Duterte administration sa susunod na taon.
Nauna ng sinabi ng economic team ng gobyerno na “un-fundable” ang panukala.