Gumaling na OFW sa COVID-19 ngayong araw mas marami kesa nahawa, namatay

COVID

UMABOT sa 51 overseas Filipino workers ang napaulat na gumaling sa coronavirus disease 2019.

Ayon sa Department of Foreign Affairs mas marami ang gumaling ngayong araw kumpara sa bilang ng nahawa ng nahawa at namatay.

May kabuuang bilang na 2,346 OFW na ang gumaling sa COVID-19.

Dalawampu’t siyam naman ang bilang ng nadagdag sa nahawa. May kabuuang bilang na itong 5,430.

Dalawa naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi. Umaabot na sa 382 ang kabuuang bilang nito. Ang nadagdag ay nasa Middle East.

Read more...