Bagets nalunod sa resort

NALUNOD kahapon ang isang batang babae sa resort sa Calamba City, Laguna na tumatanggap na umano ng mga kostumer kahit bawal pa ito sa ilalim ng umiiral na general community quarantine.

Nakatakda namang kasuhan ng lokal na pamahalaan ang may-ari at mga nagpapatakbo ng Montepico Hidden Springs Resort and Spa sa Brgy. Pansol dahil sa paglabag sa quarantine protocol.

Inaalam pa kung magsasampa rin ng asunto ang mga magulang ng bata laban sa resort.

Ayon sa ulat, nalunod ang biktima, 5, habang naliligo sa Isa sa mga pool ng resort. Naitakbo pa siya sa ospital pero hindi na naisalba ng mga doktor ang kanyang buhay.

Naniniwala ang mga otoridad na hindi lamang ang Montepico ang resort na tumatanggap ng mga kostumer kahit labag ito sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Read more...