11 kalaboso sa shabu

Jail

KALABOSO ang 11 drug suspects at nasamsam ang P356,000 halaga ng shabu sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa Quezon City.

Naaresto sina Allan Kevin Vallerio, 25, at Mark Frederick Asension, 30, ala-:30 ng umaga kanina sa kanto ng 20th Avenue at P. Tuazon Blvd., Brgy. Tagumpay, Project 4.

Narekober umano sa kanila ang P210,000 halaga ng shabu, dalawang cellphone at isang motorsiklo.

Nahuli naman ng Eastwood Police sa buybust sina Jomarie Abtila, 40, Jack Vero, 33, Manny Tabligan, 46, Rafael Ople, 32, Tohame Ali, 19, at Joshua Palomar, 22, alas-12:50 ng umaga kanina sa Tambis st., Brgy. Pasong Tamo, Tandang Sora.

Nasamsam umano sa kanila ang 15.5 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000.

Nasakote naman ng Talipapa Police sa buy-bust sina Jefferson Bernales, 32, at Leslie Padilla, 43, alas-7:10 kagabi sa Taurus st., Brgy. Tandang Sora. Narekober umano sa kanila ang P34,000 halaga ng shabu.

Anonas Police naman ang umaresto kay Gerald Granil, 27, alas-5 ng hapon kahapon sa Brgy. Pansol. Nakuhanan umano siya ng siyam na sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P10,200.

Read more...