SA ika-apat na sunod na araw, naitala sa Echague, Isabela ang pinakamataas na naitalang temperatura sa bansa.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration naitala sa 38.0 degrees Celsius ang temperatura sa Echague kahapon, Hunyo 9.
Sumunod naman sa nakapagtala ng pinakamataas na temperatura ang Camiling, Tarlac (36.8 degrees Celsius), NAIA, Pasay City (36.5), Tuguegarao City (36.4) at Hacienda Luisita sa Tarlac (36.0).
Noong Lunes naitala sa Echague ang 37.4 degrees Celsius, noong Linggo ay 38.1 degrees Celsius, noong Sabado ay 38.4 degrees Celsius.
Noong Sabado ang pinakamataas na temperatura ay naitala sa Tuguegarao City. Ito ay 37.7 degrees Celsius. Sa Echangue sa araw na ito ay 37.3 degrees Celsius.