Vice, Sharon, Coco mabubuhay nang bonggang-bongga kahit walang trabaho

MASUWERTE ang mga personalidad na may malaking naiipon, puwede silang mamuhay nang maayos, magtrabaho man sila o magpapetiks-petiks lang.

    Suwerte ang mga tulad nina Coco Martin, Vice Ganda at Sharon Cuneta at iba pang mga artistang maagang natutong mag-ipon habang kumikita sila nang sobra-sobra pa sa kanilang mga pangangailangan.

    Pero paano ang mga artistang walang naitabi? 

Hindi lang dahil mahilig sila sa mga granatsa ng buhay kundi dahil hindi naman kalakihan ang kanilang talent fee?

    Paano ang mga artistang wala namang regular at siguradong pinagkakakitaan?

Paano silang paminsan-minsan lang naman nakakatanggap ng alok na masama sa casting ng isang serye, pero hindi naman ‘yun pangmatagalan?

    Talagang maninibago sila sa buhay nila ngayong wala silang trabaho, napakarami pa naman nilang nag-aagaw-agaw sa proyekto, paano na ang kanilang kabuhayan?

    Ngayon maiisip ng mga personalidad ang kahalagahan ng pagsisinop sa kanilang kinikita. 

Sino ba ang mag-aakalang magkakaroon pala ng COVID-19 na magpapahinto sa ikot ng mundo?

    Sino ba ang mag-aakala na ang isang higanteng network na tulad ng ABS-CBN ay mawawala pala sa himpapawid at maipasasarado?

Read more...