Sunog sa Malabon tumagal ng 41 oras

TUMAGAL ng halos 41 oras ang sunog sa Malabon City.

Alas-5:43 ngayong hapon idineklarang fire out ang sunog sa Brgy. Potrero, Malabon City.

Ala-1:14 ng umaga noong Lunes itinaas ang first alarm sa sunog na nagsimula sa WIM Trading Corp.

Nadamay sa sunog ang Prime One Packaging Designs Corp., Chiheisen Corp., at Shizunai Trading Corp.

Itinaas ang ikalawa at ikatlong alarma ala-1:20 ng umaga noong Lunes at ang ikaapat na alarma alas-2:34 ng umaga kahapon.

Idineklara na fire under control ang sunog alas-9:42 ng kagabi.

Read more...