Ex-beauty queen inalok ng P3M para sa one night stand; P25M kapalit ng relasyon

Janina

NATATANDAAN n’yo pa ba ang dating beauty queen na si Janina San Miguel na sumikat noon sa kanyang sagot na “I don’t feel any pressure right now” sa Q&A segment ng Binibining Pilipinas 2008?

Muling umingay ang pangalan ni Janina ngayon matapos lumabas ang interview niya kung saan ibinandera niya ang “dark secrets” sa mundo ng beauty pageant.

Makalipas ang mahigit 10 taon mula nang sumali at manalo siya sa Binibining Pilipinas, nagsalita muli si Janina sa mga naging experience niya sa pageant na aniya’y naging dahilan kung bakit isinauli niya ang napanalunang Binibining Pilipinas-World title.

Aniya, mismong siya ay nakaranas ng sexual harassment at indecent proposals sa nasabing pageant. Nagsalita ang former beauty queen sa Undercover Asia, isang investigative series na umeere sa Channel NewsAsia (CNA) na naka-base sa Singapore.

Ang nasabing episode ay may pamagat na “The Hidden Side of Philippines Beauty Pageants” at mapapanood din sa YouTube.

Inalala ni Janina ang eksena kung saan ni-lock up siya ng beauty pageant organizers para makapag-focus siya sa competition.

“Nandu’n lang ako sa loob ng Araneta. ‘Yun lang ‘yung pinapanood ko ‘yung mga pageants to get some ideas kung paano nanalo ‘yung former beauty queens during that time.

“Wala akong phone, wala ring computer–wala akong lahat. There was a point na ‘yung kuya ko, pati Daddy ko, nandun na sa labas pero sabi nung guard na since wala silang appointment, umuwi na lang sila.

“Accidentally, narinig ko na ‘yung lolo ko nasa hospital na. Balak pa nila, ayaw nilang sabihin na ‘yung lolo ko mamatay na beacuse I’m in the middle of training, so ayaw nila na ma-distract ako,” kuwento ni Janina.

Tungkol naman sa mga indecent proposals, “Nu’ng nandu’n na kami, may nagsabi ng P3 million for a one night stand. ‘Yung P25 million ano yun gagawin ka niyang girlfriend. Bibigyan ka niya ng car, condo, resort — lahat.

“’Yun talaga ‘yung maruming kalakaran nila. Marami kasing gusto magkaroon ng girlfriend o wife na isang beauty queen,” pahayag pa niya.

Ito raw ang ilan sa mga dahilan kung bakit nagdesisyon siyang ibalik ang kanyang korona at hindi na ipagpatuloy ang paglaban sa Miss World.

“Nakuha ko na ‘yung experience. But other than that, wala na. To tell you honestly, I was really not happy during that time.

“Much important ‘yung family ko rather than fortune and fame,” lahad pa ni Janina na mayroon na rin ngayong sariling pamilya.

Bukas ang pahinang ito sa magiging sagot ng Binibining Pilipinas organizers sa mga naging pahayag ni Janina sa nasabing dokyu. Agad na ilalabas ng BANDERA ang ilalabas na official statement ng BPCI tungkol dito.

Read more...