ARESTADO ang 18 katao sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa Quezon City.
Nasakote ng Masambong Police sa buy-bust operation sina Fernando Cariaga, 36, at Eric Ilagan, 60, alas-5:35 ng hapon kahapon sa Morato st., Brgy. Mariblo. Nakumpiska umano sa kanila ang 5 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P34,000.
Nahuli naman ng Talipapa Police sa buy-bust operation sina Gilbert Guymon, 28, Roy Datario, 25, Wilmark Palomar, 27, Neil Cortez, 42, at Glaiza Galpa, 32, alas-10:15 kagabi sa Olivias st., NAWASA Lane, Brgy. Pasong Tamo. Nakumpiska umano sa kanila ang 10 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P68,000.
Naaresto naman ng Fairview Police sa buy-bust sina Ryan Galvez, 35, Jhon Figueroa, 61, at Jeffrey Nayat, 25, alas-12:10 kaninang umaga sa JP Rizal st., Brgy. Sta. Lucia. Nakumpiska umano sa kanila ang pitong gramo ng shabu.
Fairview Police din ang umaresto kina Angel Miranda, 28, at Lauren Ralph Abril Mendiola, 29, ala-1:30 ng umaga kanina sa Marcela st., Brgy. Sta. Lucia. Narekober umano sa kanila ang anim na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P40,800.
Batasan Police naman ang humuli kina Eric Adora, 41, at Renato Mabahin, 31, alas-11:35 kagabi sa 2nd st., Brgy. Pasong Tamo. Narekober umano sa kanila ang 17 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P115,000.
Nahuli rin ng Batasan Police sina Brix James Ado-an, 19, Darence Alfaro, 22, at John Matthew Hernandez, 21, alas-10 kagabi sa Timex st., Brgy. Greater Fairview. Nakuha umano sa kanila ang 14 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng P16,800.
Ang Kamuning Police naman ang umaresto kay Joseph Tanoan, 31, ng Brgy. Sto Domingo alas-4:45 ng hapon sa Don Roces Ave., Brgy. Paligsahan. Nakuhanan umano siya ng 25 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P170,000.