NAGSIMULA nang mamigay ng P5,000 educational assistance ang Navotas City government sa mga estudyante ng Tanza National High School.
Ayon kay Mayor Toby Tiangco ang naabutan ng quarantine ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga estudyante ng Tanza NHS at Kaunlaran High School.
Ang ipinamimigay na pondo ay bahagi ng P5.5 milyong pondo na inilaan para sa mga mahihirap na estudyante.
Aabot sa 1,100 high school student ang bibigyan ng tulong sa naturang programa.
MOST READ
LATEST STORIES