Mga bata nakararanas na ng cabin fever, kailangan nang payagang lumabas

Lockdown

MAAARI umanong nakararanas na ang “cabin fever” o pagkaburyong ang mga bata dahil hindi na nakalalabas ng bahay ang mga ito.

Kaya umapela si ACT-CIS Partylist Rep. Nina Taduran sa Inter

-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na payagan nang lumabas ng bahay ang mga bata kahit pansamantala lamang.

“Children need sun exposure for Vitamin D and stronger immune system. Although they have their gadgets to play at home, children are happier when they can walk, run and ride their bikes outside.  the psychological development and well-being of a locked up child is not healthy,” ani Taduran.

Sinabi ni Taduran na ayon kay Dr. Kellyn Conde Sy, Molecular Biology at Biotechnology graduate ng University of the Philippines, ang lockdown ay maaaring magdulot ng kalungkutan sa mga bata.

Gaya ng mga matatanda, maaari umanong limitahan ng IATF ang mga maaaring gawin ng mga bata o piliin ang araw kung kailan sila maaaring lumabas ng bahay.

Dahil sa pagbabawal may mga bata umano na hindi nakakapunta sa kanilang doktor para magpakonsulta o magpabakuna.

“The children’s mental health is affected by this pandemic. They feel isolated, depressed and scared, especially those who have challenging home environments. With the observance of health protocols, strict adult guidance and short hours of outdoor activities, I don’t think children’s health will be compromised,” dagdag pa ng lady solon.

Hindi pinapayagan ang mga bata na lumabas mula pa noong Marso.

Read more...