ISANG mag-asawa na kapwa empleyado ng Kamara de Representantes ang nag-positibo sa coronavirus disease 2019.
Huli umanong pumasok sa Kamara ang dalawa noong Mayo 28.
Ang isa ay pumapasok sa Printing Office at ang isa ay nakatalaga sa Engineering Department.
Sinunod na umano ng protocol para sa mga kaso ng nagpositibo. Nagsagawa na rin ng contact tracing sa mga taong nakasalamuha ng mag-asawa.
MOST READ
LATEST STORIES