2 airport sa Mindanao inihahanda sa new normal
NATAPOS na umano ang pagsasaayos ng dalawang paliparan sa Mindanao, ayon sa Department of Transportation (DOTr).
Ayon kay Transportation Sec. Arthur Tugade malaki ang maitutulong ng pagsasaayos ng Zamboanga International Airport sa Zamboanga City at Jolo Airport sa Sulu, sa air connectivity ng bansa.
“Ito ‘hong mga proyektong ito ang paraan namin para sabihing we will get back on our feet and we will do so by enhancing our mobility and connectivity,” ani Tugade.
Inayos ang Passenger Terminal Building ng Zamboanga International Airport at itutuloy rin umano ang plano na ilipat ito sa Mercedes – Talabaan area.
Inayos din ang Passenger Terminal Building ng Jolo Airport. Patuloy din ang paggawa sa perimeter fence at pagbili ng lupa upang mapahaba ang runway nito.
Sinabi naman ni Civil Aviation Authority of the Philippines Director General Jim Sydiongco na ang patuloy na pagsasaayos ng paliparan ay paghahanda rin sa new normal na dala ng coronavirus disease 2019.
“We may have been hit hard by this pandemic but we will always come up with strategic plans to help cushion its impact. Apart from our completed airport projects, we also have other ongoing projects expected to be operational soon. These will surely contribute to our smooth transition, especially that we are promoting the use of regional airports to decongest NAIA,” ani Director General Sydiongco.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.