TikToker na ka-look alike ni Alden sa Dubai na-shock sa interview ng KMJS

SINORPRESA ni Alden Richards ang isa niyang fan habang ini-interview ito ng Kapuso Mo, Jessica Soho team.

Bigla kasing naki-join ang Pambansang Bae sa video interview ng KMJS kay Ian dela Peña III nitong nakaraang Linggo. 

 Si Ian ay isang OFW na naka-base sa Dubai at isa sa mga tinampok ng programa sa segment nitong “TikTok Look-Alike Challenge”— ang bagong usong style sa video app kung saan ipinapakita ng nagti-TikTok sa dulo ang kumukha umano nilang celebrity. 

Kahit si Alden, aminado na may pagkakahawig nga sila ni Ian lalo na’t may dimple rin ang huli. Papasa nga raw silang magkapatid sa mga teleserye.

 Hindi naman makapaniwala si Ian nang makita at makausap ang idol niya. 

Nagpapasalamat siya kay Alden dahil inspirasyon niya ito sa kanyang buhay.

 Si Alden naman, hinangaan si Ian dahil kahit na may mga problema itong kinakaharap, tinutulungan niya ang kanyang sarili na hindi matalo ng sitwasyon niya at isa na nga ang paggawa ng mga TikTok video sa mga pampa-good vibes nito.

 Isa nga si Ian sa mga kababayan nating nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19. 

Advice rin ng Asia’s Multimedia Star, dapat daw huwag nang masyadong isipin ni Ian ang nakaraan dahil hindi na ito mababago pa at bagkus ay mag focus na lang sa hinaharap. 

“Napakagandang example ka ng mga taong naapektuhan ng pandemic pero lumalaban pa rin sa buhay. Saludo kami sa iyo,” say pa ni Alden kay Ian. 

Wish ni Ian na makita rin nang personal ang idolo niya. Wala naman itong problema kay Alden na sinabing sana nga ay magkita sila sa susunod na makabisita siya sa Dubai.

Read more...