Bwelta ni Angel sa trolls: I think you need to do more research & stop reading fake news

Angel-Tito Sotto

DEDMA lang si Sen. Tito Sotto sa matapang na pahayag ni Angel Locsin tungkol sa kontrobersyal at mainit na pinag-uusapan ngayong Anti-Terrorism Bill.

Binuweltahan kasi ng Kapamilya actress ang senador matapos mag-like sa isang social media post na nagsasabing supporter umano siya ng mga rebeldeng NPA.

Pahayag ni Angel sa ginawa ni Tito Sen, “I will never support terrorists, nor will I ever support any kind of violence.

“You have the right to like any tweet. And we have the right to voice out our opinions. I hope we don’t get tagged as terrorist for doing so.”

Habang sinusulat ang balitang ito ay wala pang sagot ang TV host-politician sa patutsada ni Angel, pero may mga netizens ang kumampi sa senador at binasag ang dalaga.

Isang Twitter user ang nagsabing, “Angel, to be transparent, 99.9% ng sinasabi mo is about abuse of power (mere suspicion) kaya ayaw mo ng ATB.

“Pero voiceless ka sa mga taong napatay o naapi ng mga terrorists. Anong masasabi mo?”

Bwelta naman ni Angel sa kanya, “I don’t think so…I’m very vocal sa nangyari sa saf 44 and marawi siege.”

Dagdag pa niya, “I’ve supported the AFP and PNP with some of their campaigns and during this pandemic.

“You can ask them. I think you need to do more research & stop reading fake news.”

Ang tinutukoy ni Angel na SAF 44 ay ang pagpatay ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa 44 operatiba ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) noong Jan. 25, 2015, sa Mamasapano, Maguindanao.

Nabalita rin ang pagtulong ni Angel sa Philippine Army natapos mag-donate ng 25,000 face masks sa military frontliners at personal na nakilahok sa mga sundalo sa pagre-repack ng relief goods para sa mahihirap na pamilya.

Read more...