“WHEN someone makes a mistake, hindi ko sasabihan ng bobo o tanga.”
Yan ang ipinagdiinan ng kontrobersyal na choreographer-dancer na si DJ Loonyo matapos mabatikos dahil sa sablay at palpak na mga pahayag nita tungkol sa COVID-19 pandemic.
Nag-viral ang dalawang video niya kung saan nagsalita siya tungkol sa mass testing at paggamit ng face mask.
Kaliwa’t kanang batikos ang natanggap niya mula sa netizens at sa ilang celebrities tulad nina Agot Isidro, Jerald Napoles at Lauren Young na talagang diretsahan siyang tinawag na bobo.
Kahapon, muling nagsalita si DJ Loonyo o Rhemuel Lunio sa tunay na buhay, sa pamamagitan ng Facebook Live para mag-sorry sa sa kanyang pagkakamali at magbigay ng mensahe sa lahat ng tumawag sa kanya ng “bobo” at “tanga”.
“Again, I apologize for what happened and I apologize for what I said. It’s a clear misinformation, it’s a clear… alam mo yun, nagkabuhol-buhol na train of thought.
“Hindi ako naging responsable how I shared those words, how I shared those thoughts and opinions. And I totally forgot that you’re an influencer and counted lahat ng pinagsasabi mo.
“Again, I really apologize for what happened, sobra. It was a learning experience for me,” simulang pahayag ng binata.
“And trust me, lahat na ng bash, lahat na ng comment, lahat na ng hate, man, never akong nag-isip ng masama, never akong nagtanim ng galit. I completely understand kung saan kayo nanggagaling.
“Trust me, it’s hard, it’s traumatic, mapa-paralyze ka talaga,” aniya pa.
At sa lahat naman ng mga nambato ng masasakit na salita sa kanya, “You need to understand, okay, I respect the opinion coming from another people na bobo, tanga, I respect that. That’s your own opinion, that’s how you see things.
“But I’m happy and I’m blessed, and I’m grateful na hindi ako ganoon tinuruan ng nanay ko.
“Na, when someone makes a mistake, hindi ko sasabihan nang gano’n. Never na never kong sasabihan na bobo, never na never kong sasabihan na tanga on social media.
“Why? ‘Cause I pictured out, when my kids in the future will see what I post nu’ng sa ganito kong… at present, kung makikita anong klaseng tatay, anong klaseng tao ang tatay ko, even my family makikita nila, ‘Anong klaseng tao si Rhems?’ Gets n’yo?
“I believe hindi magiging proud yung anak, or yung magiging pamilya ko balang araw, if they see me posting, like, ‘Bobo naman nito,’ or ‘Tanga naman nito. Idol, pero tanga.’
“And I don’t want my kids to grow up with that kind of attitude and personality, or culture,” sabi pa ng internet sensation sa mga celebrities na nang-okray sa kanya.
Pagpapatuloy pa ni DJ Loonyo, “Hindi cool. Hindi natin ikinakaangat yun, hindi natin ikinakataas yun. I understand if you post something and then you will educate.
“But if to post something or comment and then say ‘tanga’ or ‘bobo,’ imagine, if I will do that sa kapamilya mo, sa mother mo, or sa ‘yo, or sa kapatid mo, or sa kakilala mo…
“Trust me, hindi siya magiging masarap, hindi siya magiging cool.”
“Kung sino man ang nanonood ngayon, can you please contemplate, can you please ask yourself, ‘Is this what I want? Eto ba yung gusto kong ituro sa anak ko?’
“Everything will start in ourselves, everything will start with our whole family.
“And then the people, sa artists, sa celebrities who told me those kinds of stuff, I understand, naiintindihan ko kung saan sila nanggagaling, I really understand.
“And then, I just hope and I just pray na sana hindi ito mangyari sa kanila, or hindi man mangyari sa kapatid nila.
“What you put in the universe will go back to you. What we posted, kung ano yung pinagsasabi natin sa social media ngayon, like bobo, tanga, and everything, it will take effect sa younger generation.
“Nakikita nila yun, nakikita ng mga bata. When they see these things, it will implant the new normal in their head na okay, it’s cool na magsabi ng tanga sa kapwa, it’s cool magsabi ng bobo sa kapwa,” dagdag pang pahayag ng DJ.