WALA nang magaganap na face-to-face classes sa bansa hanggang walang bakuna.
Ito ang sinabi ng Department of Education sa isang pahayag kahapon na tuluyan ng tumuldok sa pangamba ng mga magulang na papasukin ang kanilang mga anak sa paaralan at mahawa ng coronavirus disease 2019.
“We thank the President for reiterating the national government’s willingness to assist us in our endeavor to offer alternatives to face-to-face learning despite the public health situation,” ani Education Sec. Leonor Briones. “We will comply with the President’s directive to postpone face-to-face classes until a vaccine is available.”
Patuloy umano ang ginagawang paghahanda ng DepEd sa paggamit ng blended learning para sa School Year 2020-21.
“Radio, television, online and modular learning — which are pre-existing methods and were already used for decades — are being prepared and updated for this year.”
Patuloy din umano ang pagsasanay na isinasagawa ng mga guro para sa new normal sa sektor ng edukasyon.
“We are working with the private sector and education experts to make these necessary steps logistically sound, especially on the development, acquisition and deployment of learning resources.”