KALABOSO ang pito katao na nahuli umano sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa Quezon City.
Nahuli ng La Loma Police si Reymart Brizo, 21, ng Brgy. Apolonio Samson, alas-10:30 ng gabi sa quarantine control point sa Tabing Ilog st., Kaingin Bukid, Brgy. Apolonio Samson.
Halata umano na kinabahan ang suspek at nagtangkang tumakas subalit napigilan. Narekober umano sa kanya ang isang sachet ng shabu.
Naaresto naman ng Batasan Police sa buy-bust operation sina Jonathan Brondial, 36, Ric Guilas, 41, Daniel Pagayon, 26, at Caciano Ambolario Jr., 55, alas-11:30 ng gabi sa Holy Trinity st., Area A, Brgy. Payatas. Nakumpiska umano sa mga suspek ang 2.5 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P17,000.
Nasakote rin ng Batasan Police si Dexter Gomez, 35, ng Brgy. Matandang Balara, alas-12:20 ng umaga sa Acacia st., Brgy. Matandang Balara. Sinita umano siya ng mga pulis dahil walang suot na helmet. Nakuhanan umano siya ng tatlong sachet ng shabu.
Nahuli naman ng Eastwood Police Station sa buy-bust operation si Rodrigo Caranyagan Jr., 29, at Jericho Adayo, 31, ng Brgy. Holy Spirit, alas-12:10 ng umaga sa Obrero st., Brgy. Bagumbayan.
Nasamsam umano sa kanya ang tatlong sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P2,400.