Ama hindi isusuko ang anak sa ina

DEAR Atty.:
Ask ko po tungkol po sa lupa namin na may nanirahan at ikinaso ito sa MTC at RTC na pawang kami ang nanalo. Umapela sila sa CA. Ang tanong ko pwede ko bang kunin ang court decision sa Court of Appeals? At paano ko ba sila mapapaalis? Wala bang bayad ang public attorney kasi wala na kaming abogado mahal kasi. – Zilday, Leyte, …4707

Dear Zilday:
Ang Public Attorney’s Office ay bukas po sa lahat na humihingi ng tulong legal ngunit kailangang mag-submit kayo ng “Certificate of Indigency” mula sa Department of Social Welfare and Development mula sa inyong munisipyo at barangay kung saan kayo nakatira.
Maari rin kayong magtungo sa Court of Appeals sa Maria Orosa corner Padre Faura, Ermita Manila upang mag-apply ng certified true copy ng decision. Ibigay lang ang docket fee sa kanilang tanggapan at magbayad ng mga fees. — Atty.

Dear Atty.:
Good day po, Atty. Fe! Si Richard Armenta po ako ng Camarin, Caloocan City. Ask ko lang po, ‘yung anak ko pong babae ay nasa akin at nag-aaral. Eight years old na po. Gusto siyang kunin ng dati kong asawa pero meron na siyang asawang iba at dalawang anak. Gusto siyang kunin ng kanyang nanay. Meron po ba akong karapatan na huwag ibigay ang bata? At saka hindi na ako nag-asawa uli, attorney. Thanks po. — Richard Armenta

Dear Richard:
Salamat sa iyong text.
Kung ang isang ama at ina ay legal na mag-asawa at nagkaanak, ang anak ay legitimate child.
Ibig sabihin, ang ina at ama ay parehong merong parental authority sa bata. Kung ang bata ay ipinanganak out of wedlock o di kasal ang mga magulang, ang ina lang ang may parental authority.
Ngunit base na rin sa inyong salaysay, kayo ay legal na mag-asawa. Kaya ikaw at ang misis mo ay parehong may karapatan sa bata, pareho kayong may parental authority.
Ngunit kung sa inyo namang palagay ay hindi dapat kunin ang bata sapagkat siya ay nag-aaral, hindi maaaring gambalain ang kanyang pag-aaral. Natural ngayong Agosto ay nasa kalagitnaan ng pag-aaral ang inyong ana, kaya maaari ninyong i-suggest sa dati ninyong misis na bumisita na lang muna.
Pero iba ang kaso kung ang bata ay 7-years-old pa lang o mas bata pa rito. Dahil kung ang bata ay 7 years old and below, otomatiko na ang custody dapat ay nasa ina.
Ngunit depende pa rin sa sa ebidensya, maari pa ring maghain ng Petition for Custody ang ama kung sa palagay ninyo ay malalagay sa panganib ang bata habang nasa sa custody ng ina. – Atty.
Editor: May nais ba kayong idulog na problema sa Ibandera ang Batas? I-text ang pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606
o 09277613906.

Read more...