50 degrees celsius heat index naitala sa Cavite

PUMALO sa 50 degrees Celsius ang pinakamataas na heat index o alinsangan kahapon.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration naramdaman ito sa Sangley Point, Cavite City alas-2 ng hapon.

Sa Science City of Muñoz sa Nueva Ecija ay 49 degrees Celsius naman ang naitala alas-5 ng hapon.

Naitala naman ang 48 degrees Celsius na alinsangan sa Ambulong, Tanauan City at Dagupan City alas-2 ng hapon.

Sa Aparri, Cagayan; Casiguran, Aurora at Dipolog City ay nakapagtala naman ng 44 degrees Celsius na heat index.

Read more...