OFW na nahawa ng COVID halos 5,400 na

NADAGDAGAN ng 24 ang bilang ng mga overseas Filipino workers na nahawa ng coronavirus disease 2019.

Ayon sa Department of Foreign Affairs may kabuuan ng 5,392 OFW ang nahawa ng naturang sakit.

“The DFA also confirms that a previously confirmed case in Europe turned out to be negative for COVID.”

Anim naman ang gumaling at may kabuuang bilang na itong 2,231.

Pito naman ang nadagdag sa listahan ng mga nasawi sa naturang sakit at may kabuuang bilang na 370.

Read more...