NAGPAHAYAG ng pangamba ang Bayan Muna na baka pasimula ng isasagawang crackdown ang pagsulpot ng mga pekeng Facebook account ng mga aktibista at estudyante sa mga state university.
Ayon kay House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate lumabas ang mga fake account matapos maisapubliko ang mga kampanya laban sa anti-terror bill at nang magpahayag ng pagtutol ang marami sa pagpapasara sa ABS-CBN 2.
“Even activists with no FB accounts now have five or more poser accounts. Are troll farms now harvesting names on online petitions so that their bots would not be detected and then use these fake accounts to spread fake news and get the real name owner into trouble?” tanong ni Zarate.
Nangangamba si Zarate na maging isa itong “online tanim ebidensya” at isang kaso ng identity theft.
“If the proposed terror bill is enacted into law, real name owners of these fake accounts can be easily sent to jail for being framed by such means,” saad ni Zarate.
“Are these deliberate manufacture of numerous fake activist poser accounts prelude to a crackdown, especially once the terror bill becomes a law?”
Isa umano ito sa mga paraan na maaaring gamitin laban sa mga kalaban ng gobyerno.
“An investigation should also be done on this matter and Facebook should immediately shutdown these fake accounts.”